Wikang Aleman


Ang wikang Aleman (Aleman: Deutsche Sprache, Deutsch) ay kasapi ng sangay Hermaniko ng napakalawak na pamilya ng wikang tinatawag na Indo-Europeo. Ang kalipunan ng mga wikang ito ay matatagpuang ginagamit sa Europa at malaking bahagi ng Asya. Kabilang dito ang mga salita sa Indiya, Iran, Tajikistan, at Afghanistan at sa kanluran at hilagang Europa. Ang Aleman ay malapit na kamag-anak ng Yiddish, Ingles, Olandes, Suweko, Noruwego, at Danes. Ang Aleman ay ginagamit sa Alemanya, Austria, bahagi ng Unggarya, bahagi ng Republikang Tseko, Liechtenstein at sa hilagang Suwisa. Ito ay may mga diyalekto rin na kinabibilangan ng Hessisch, Schwäbisch, Thüringisch, atbp.
Ang Yiddish, bagaman nagsimula bilang isang halo ng mga dyalektong Hochdeutsch, ay itinuturing ngayon bilang hiwalay na wika dahil sa paggamit nito ng mga standard na naiiba sa Aleman. Ang Yidish ay dinala ng mga Hudiyo sa iba’t ibang bahagi ng Europa nang sila ay pinaalis sa Alemanya noong ika-18 daantaon at mas maaga pa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Aleman ay nagsimulang kaisa ng wika ng mga Frangko noong panahong magkasanib ang Pransiya at Alemanya sa ilalim ni Carlos ang Dakila, bandang Gitnang Panahon. Noong ika-12 daantaon, naging wikang pampangasiwaan at pampamahalaan ang Aleman sa lupaing kilala ngayon bilang Alemanya. Nagsimula itong maiba sa wika ng mga Prangko sa bandang Timog (Pransiya) at ang mga taong di-Prangko, tulad ng Alemannen, Bayern, Sachsen, at Thüringen. Pagkatapos ng mahaba-habang panahon, ang Aleman ay nahati sa dalawang uri: ang Plattdeutsch (Mababang Aleman) at ang Hochdeutsch (Mataas na Aleman). Ang katawagang ito ay hango sa antas o taas ng kalupaang kinalalagyan ng mga gumagamit, ayon sa antas ng tubig-dagat. Dahil dito, ang Olandes ay tinawag na Mababang Aleman at ang Aleman ay Mataas na Aleman o payak na Aleman.

Si Martin Luther, isang paring agostino, ay kinikilala bilang siyang nagpalaganap, nagpalawig at nagpayabong sa wikang Aleman. Isinalin niya mula sa Latin ang Bibliya na gamit ng simbahang kristyano- ang Bagong Tipan (1521) at ang Lumang Tipan (1534).Dahil dito, naging malawakan ang pagkakilala at paggamit sa wika. Ang pagyabong ng Aleman ay naaayon sa sumusunod na panahon:
- 750- 1050—Althochdeutsch (Matandang mataas na Aleman);
- 1050- 1350—Mittelhochdeutsch ( Gitnang mataas na Aleman);
- 1350- 1650—Fruhneuhochdeutsch (Maagang bagong mataas na Aleman); mulang 1650—Neuhochdeutsch (Bagong mataas na Deutsch).
Mula dito, nabuo ang modernong Aleman.
Si Johann Adelung ang naglimbag ng kauna-unahang diksiyonaryong Aleman. Ang magkapatid namang sina Jakob at Wilhelm Grimm, lalong kilala bilang may-akda ng aklat-kuwentong pambata, ang naglimbag ng malawakang Talasalitaang Aleman. Sa pag-usad ng Repormasyon, ang wika sa timog Aleman na Hochdeutsch (Mataas na Aleman) ay nangibabaw sa Plattdeutsch (Mababang Aleman). Ang wikang Olandes ay galing sa Mababang Aleman.
Noong 1880, si Konrad Duden ay naglimbag ng Talasalitaang Pansulat ng Aleman. Ito ang naging batayan ng pagbaybay (spelling). Noong 1901, nagkaroon ng Pagbabago sa Pagbaybay. Sumunod dito, noong taong 1996 ay inilabas ang binagong Opisyal na Alituntunin sa Pagbaybay ng Aleman.
Mga katangiang sangkap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Opisyal na katayuan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Aleman sa ngayon ay wikang opisyal na gamit pampangasiwaan, pantanggapan, pangkasulatan, pampanitikan, at pambatas sa Alemanya, Austria, Liechtenstein, Luxembourg at Suwisa.
Kakalatan at kalapatang heograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]May iba pang nagsasalita nito sa Italyang panig ng Tirol, sa bandang hilaga ng Dinamarka, at sa isang bahagi ng Rumanya. Ito'y wika din ng minoriya sa mga sumusunod, kasunod ang bilang ng gumagamit:
- Arhentina—300,000;
- Australya—150,000;
- Brasil—1,900,000;
- Paraguay—200,000;
- Rumanya—70,000;
- Tsile—40,000;
- Italya—350,000;
- Poland—185,000;
- Unggarya—145,000;
- Slovakia-Tseko—50,000.
Sa kasalukuyan sa Tsile, may peryodikong limbag sa Aleman, bunga ng mahalagang papel na ginagampanan doon ng mga may-lahing Aleman.
Balarila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil isang Hermanikong wika ang Aleman, nahahawig ang balarila nito sa Inggles. Nguni’t nagtataglay din ito ng mga katangiang wala sa Inggles, tulad ng apat na kaukulan, at kasariang pambalarila.
Pangngalan (Substantiv)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagbabago ang anyo ng pangngalang Aleman ayon sa kaukulan (Kasus), kasarian (Geschlecht) at kailanan (Zahl).
Kasarian (Genus)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bawa’t pangngalang Aleman ay mauuri sa tatlong kasarian: panlalaki (Maskulinum), pambabae (Femininum) at pambalaki (Neutrum). Kadalasa’y hindi nakabatay ang kasarian ng salita sa aktwal na kasarian na tinutukoy nito. Halimbawa, bagaman ang der Mann (ang esposo) ay panlalaki, ang die Frau (ang esposa) ay pambabae, ang das Mädchen (ang batang babae) ay pambalaki. Sa paggamit ng tiyak na pantukoy (bestimmter Artikel), ang der ay sa panlalaki, die sa pambabae, at das ay sa pambalaki. Sa pantukoy na di-tiyak (unbestimmter Artikel) naman, ginagamit ang ein sa panlalaki/pambalaki at eine sa pambabae.[1]
May mga iilang pangngalan din na may higit na isang kasarian, lalo na ang mga pangngalang galing sa ibang wika. Halimbawa, isang malaking balitaktakan sa Alemanya ang kasarian ng Nutella, kung pambabae o pambalaki ba talaga ito.[2][3]
Kaukulan (Kasus)
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Kaukulan | Mas. | Neu. | Fem. | Mar. |
|---|---|---|---|---|
| Palagyo | der | das | die | die |
| Akusatibo | den | das | die | die |
| Datibo | dem | dem | der | den |
| Paari | des | des | der | der |
Batay sa gampanin ng pangngalan sa pangungusap, ang isang pangngalang Aleman ay mauuri sa apat na kaukulan:[1]
Kaukulang palagyo (Nominativ)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangngalang nagsisilbi bilang paksa o simuno (tawag sa piang-uusapan ng pangungusap) ng pangungusap ay nasa kaukulang palagyo. Halimbawa, sa pangungusap na:
Die
Ang
Stadt
lungsod
ist
ay
schön.
maganda
"Maganda ang lungsod."
ang die Stadt ay nasa kaukulang palagyo. Kung walang pang-ukol, nasa kaukulang palagyo rin ang pangngalang nasa tabi ng sein at werden. Halimbawa:
Der
Ang
König
hari
ist
ay
der
ang
Kaiser.
emperador
"Ang emperador ang hari."
Dito, nasa kaukulang palagyo rin ang der Kaiser sapagka’t katabi nito ang ist (na banghay ng sein).
Kaukulang akusatibo (Akkusativ)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangngalang tumatanggap sa kilos ng pandiwa ay karaniwang nasa aksuatibo (sa ibang salita, akusatibo ang pangngalang nasa tuwirang layon). Halimbawa,
Maria
Maria-NOM
wirft
ihinahagis
den
ang
Ball.
bola-AKK
"Ihinahagis ni Maria ang bola."
Sa pangungusap, ang bola ang tumatanggaap ng kilos na isinagawa ni Maria. Samakatuwid, nasa akusatibo ang den Ball.
Kung nasa akusatibo ang pangngalan at panlalaki ito, nagiging den ang pantukoy na der at einen ang pantukoy na ein.
Kaukulang datibo (Dativ)
[baguhin | baguhin ang wikitext]May iilang gamit ang kaukulang datibo sa Aleman.
Una, ginagamit ito sa mga pangngalang di-tuwirang layon:
Er
Siya-NOM
gibt
ibinibigay
den
ang
Stift
panulat-AKK
dem
sa
Lehrer.
guro-DAT
"Ibinibigay niya ang panulat sa guro"
Kaukulang paari (Genitiv)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasa kaukulang ito ang isang pangngalang nagmamay-ari ng isang bagay. Sa pangungusap na ito
Ich
Ako-NOM
habe
nasa
das
ang
Buch
aklat-AKK
des
ng
Kindes
bata-GEN
"Nasa akin ang aklat ng bata."
ang des Kindes ay nasa kaukulang paari. Ginagamit ang pantukoy na des/eines sa panlalaki at pambalaki, der/einer sa pambabae, at der sa panlalaki (kahi’t anong kasarian).
Pandiwa (Verb)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 Schenke, Heiner; Seago, Karen (2004). Basic German: A Grammar and Workbook [Batayang Aleman: Isang Balarila at Gawaang Aklat]. Routledge. ISBN 0-203-64270-8.
- ↑ Johnny (2021-07-10). "German is Weird - Nutella - Funny German words". German is Weird (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-06-13.
- ↑ "Die, das oder der Nutella? | Duden". www.duden.de (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2026-06-13.
