Australian Open
| Australian Open | ||
|---|---|---|
| Opisyal na website | ||
| Lokasyon | Melbourne, Victoria | |
| Pinagdarausan | Melbourne Park | |
| Sahig | Plexicushion Prestige | |
| Men's draw | 128S / 128Q / 64D (16Q) | |
| Women's draw | 128S / 128Q / 64D (16Q) | |
| Premyong Pera | A$ 111,500,000 (2026) | |
| Grand Slam | ||
| Kasalukuyan | ||
Ang Australian Open ay isa sa apat na Grand Slam na torneo ng tenis. Nagsimula ito noong 1905 at mula 1972 ay ginaganap sa Melbourne, Victoria. Noong 1988, naging hard court event ito at sa kasalukuyan ay idinaraos sa Melbourne Park tuwing huling dalawang linggo ng Enero, kasabay ng Extreme heat policy kapag matindi ang init.
Pangunahing ginaganap ang mga laro sa Rod Laver Arena at Hisense Arena, na may bubungang naiuurong laban sa ulan at init. Katulad ng Wimbledon, may laro rin sa looban. Noong 2008, pinalitan ang dating sahig na Rebound Ace ng Plexicushion Prestige, na mas konsistent at mas kaunting init ang pinapanatili. Sina Roger Federer at Serena Williams lamang ang nanalo sa parehong sahig. Naging kontrobersyal ang pagpapalit dahil kahawig nito ang DecoTurf ng US Open.
Tulad ng ibang Grand Slam, may kompetisyong panlalake at pambabae sa isahan, dobleng laro, magkahalong dobleng laro, pati na rin junior, wheelchair, ekshibisyon, at legends. Noong Enero 23, 2010, naitala ang pinakamataas na bilang ng dumalo sa isang araw sa Grand Slam na may 77,043 katao, at kabuuang 653,860 sa buong torneo.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The Final Word: Australian Open 2010." Tennis - ATP World Tour. 31 Enero 2010. ATP World Tour. 21 Enero 2012. (sa Ingles)