Pumunta sa nilalaman

Skopje

Skopje

Скопје
Lungsod
Lungsod ng Skopje
Град Скопје
Mula sa ibabaw pababa, kaliwa pakanan: Tulay na Bato Pambansang Tanghalang Masedonyo • Kapan Han sa Lumang Basar  MRT Center • Puwerta ng Masedonya • Rebulto ng Mandirigmang Nangangabayo Kuta ng Skopje
Mula sa ibabaw pababa, kaliwa pakanan:
Tulay na Bato
Pambansang Tanghalang Masedonyo • Kapan Han sa Lumang Basar
MRT CenterPuwerta ng Masedonya • Rebulto ng Mandirigmang Nangangabayo
Kuta ng Skopje
Watawat ng Skopje
Watawat
Lokasyon ng Skopje sa Republika ng Masedonya
Lokasyon ng Skopje sa Republika ng Masedonya
Mga koordinado: 42°0′N 21°26′E / 42.000°N 21.433°E / 42.000; 21.433
BansaImage Masedonya
BayanImage Lungsod ng Skopje
RehiyonImage Rehiyon ng Skopje
Pamahalaan
  AlkaldeKoce Trajanovski
(VMRO-DPMNE)
Lawak
  Kabuuan571.46 km2 (220.64 milya kuwadrado)
Taas
240 m (790 tal)
Populasyon
 (2002)
  Kabuuan506,926
  Kapal890/km2 (2,300/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
  Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong postal
1000
Kodigo ng lugar+389 02
Plaka ng sasakyanSK
PatronMahal na Birheng Maria
Websaytskopje.gov.mk

Ang Skopje (Masedonyo: Скопје; Albanes: Shkupi; Serbiyo: Скопље, Skoplje) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Hilagang Masedonya, kung saan isa sa bawat tatlong Masedonyo ang naninirahan sa teritoryo nito. Ito rin ang sentrong pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura at akademiko ng bansa. Sa panahon ng Imperyong Romano, kilala ang Skopje bilang Scupi.

Nasa bahaging itaas ng Ilog Vardar ang Skopje, na nasa isang pangunahing rutang hilaga patimog sa pagitan ng Belgrade at Atenas. Ayon sa huling opisyal na pagbilang noong 2002, may populasyon na 506,926 katao ang Skopje; gayunpaman, ayon sa dalawang 'di-opisyal na tantiya para sa mas kasalukuyang panahon, may populasyon ang lungsod na 668,518[1] o 491,000 katao.[2]

Paghahating pampangasiwaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang dibisyong pampangasiwaan mismo ang Skopje, na nakahati sa sampung bayan na bahaging bumubuo sa rehiyong pang-estadistika ng Skopje. Ang Batas Skopje ang namamahala sa organisasyong pampangasiwaan ng Skopje bilang isang dibisyong pampangasiwaan sa Masedonya.

Mapa Blg. Bayan
(Општина, opština)
Lawak
(km²)
Populasyon
(2002)
Image
1 Image Centar (Центар) 7.52 45,412
2 Image Gazi Baba (Гази Баба) 110.86 72,617
3 Image Aerodrom (Аеродром) 21.85 72,009
4 Image Čair (Чаир) 3.52 64,773
5 Image Kisela Voda (Кисела Вода) 34.24 57,236
6 Image Butel (Бутел) 54.79 36,154
7 Image Šuto Orizari (Шуто Оризари) 7.48 22,017
8 Image Karpoš (Карпош) 35.21 59,666
9 Image Gjorče Petrov (Ѓорче Петров) 66.93 41,634
10 Image Saraj (Сарај) 229.06 35,408
Kabuuan Image Skopje 571.46 506,926

Pangangasiwa at pamahalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1976 hanggang 1996, inorganisa ang Skopje bilang isang hiwalay na pamayanang sosyo-pampolitika na binubuo lamang ng limang bayan: ang Gazi Baba, Karpoš, Kisela Voda, Centar and Čair. Noong 1996, inilikha ang dalawa pang bayan: ang Šuto Orizari and Gjorče Petrov, sa ilalim ng isang Skopje na binigyan ng katuturan bilang isang hiwalay na yunit ng sariling pamahalaan. Itinalaga noong 2004 ang kasalukuyang anyo ng Skopje, na may 10 bayang bumubuo dito

Direktang ihinahalal ang alkalde ng Skopje. Kasalukuyang nanunungkulan si Koce Trajanovski bilang alkalde, na inihalal noong Abril 2009.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Град Скопје. "Skopje – Capital of the Republic of Macedonia". skopje.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-02-02. Nakuha noong 2010-12-24.
  2. "Macedonia". Population estimations for 2010 by cities, towns and statistical regions, based on the results of the 2002 national census and other data from the State Statistical Office of the Republic of Macedonia. City Population DE. 2010.
  3. A1 TV Online (2009-04-06). "Груевски му се заблагодари на Црвенковски". a1.com.mk. Nakuha noong 2011-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) (sa Masedonyo)